Sa kabila ng bagong virus na na-detect sa Hongkong, patuloy pa rin ang Philippine Airlines o PAL sa Manila-Hongkong-Manila Flights.
Base sa naging anunsiyo ng National Task Force o NTF against COVID-19, papayagan pa rin ang Inbound Hong Kong Flights o biyahe ng mga eroplano papasok ng Pilipinas mula Hong Kong.
Ito ay dahil sa hindi umano kasama ang Hong Kong sa travel ban ng bansa laban sa mga bansang may kaso ng Omicron variant ng COVID-19. —sa panulat ni Angelica Doctolero