Labing apat sa labing pitong lunsod sa Metro Manila ang nakitaan ng Department of Health (DOH) ng bahagyang pagtaas ng new COVID-19 cases.
Gayunman, nananatili parin, ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, sa low risk classification ang buong National Capital Region (NCR).
Pahayag ni Vergiere, mayroon silang nakitang pag-uptick ng new cases sa NCR, ngunit hindi naman aniya na-sustain o nagpatuloy ang pagsirit ng kaso.
Base aniya sa datos, umakyat ng kaunti ang positivity rate sa kalakhang Maynila na umabot sa 1.6%.
Subalit binigyang-diin ni Vegeire, na hindi ito dapat na ikabahala dahil wala namang pagtaas ng admission sa mga ospital ukol sa mga malalang kaso ng virus.
Posible naman aniya na ang bahagyang pagsipa kaso sa NCR ay dulot ng mga Omicron sub-variants at paghina ng immunity ng mga tao dahil sa hindi pa natuturukan ng booster dose.