Walang nakitang panibagong pagtaas ng COVID-19 cases ang Department of Health sa bansa sa kabila ng election season.
Ito, ayon kay DOH Undersecretary Myrna Cabotaje, ay dahil sa pagsunod ng publiko sa Minimum Public Health Standards (MPHS).
Gayunman, kung susuway ang publiko sa MPHS ay asahan na ang mahigit 200 panibagong kaso ng COVID-19 kada araw sa kalagitnaan ng buwan o sa Mayo a – 15.
Ito’y base sa projections ng feasibility analysis of syndromic surveillance.
Pero kung patuloy na susundin ang MPHS, maaaring bumaba sa 28 per day ang COVID cases sa kalagitnaan ng Mayo.