Nagpatupad na ng taas-pasahe ang ilang drivers ng Public Utility Vehicles (PUVs) kahit wala pang pormal na kautusan para rito.
Sa gitna ito ng ikasampung beses na taas-presyo ng langis sa bansa dahil sa kaguluhan sa pagitan ng Russia at Ukraine.
Sa panayam sa DWIZ, sinabi ni Ka Lando Marquez, presidente ng Liga ng mga Transportasyon at Operator ng Pilipinas (LTOP) na itinuturing itong survival kung saan buhay na ng kanilang pamilya ang nakataya.
Patuloy naman ang panawagan ni Marquez sa gobyerno na tuluyan nang aprubahan ang kanilang panawagang taas-pasahe para sa kapakanan ng mga drivers.–-sa panulat ni Abby Malanday