Patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) para masampahan ng kasong paglabag sa Omnibus Election Code ang 3, 829 na mga indibidwal.
Sinabi ng PNP Public Information Office chief BGEN. Rhoderick Augustus Alba na nasa mahigit 3K indibidwal na ito ay lumabag sa ipinatupad na gun ban, liquor ban, vote buying at vote selling sa kabuuan ng election period.
Ayon kay PNP OIC LT. Gen Vicente Danao Jr, sa kabila ng payapa sa ginanap na halalan ay kailangan pa rin mapanagot ang mga lumabag sa election laws.
Siniguro naman ni Danao na masasampahan ng kaso ang mga lumabag sa batas.
Sa datos ng PNP, mayroong 3,651 violators ang naaresto dahil sa paglabag sa gun ban, 128 sa liquor ban at 50 ay suspek sa umano’y vote-buying at vote selling.