37 dayuhang turista ang hindi pinayagang makapasok ng bansa sa unang linggo ng muling pagbubukas ng bansa sa mga foreign traveler.
Ayon kay Immigration Spokesperson Dana Sandoval, karamihan sa mga hinarang ay lumabag sa guidelines ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases.
Pina-alalahanan naman ni Immigration Commissioner Jaime Morente ang mga Airline Company na tiyaking mga eligible foreigner lamang ang papayagang makasakay sa kanilang flights patungong pilipinas.
Responsibilidad anya ng airlines na tiyaking tumatalima ang mga dayuhan sa IATF guidelines, partikular sa vaccination requirement.
Samantala, tinaya naman ng BI na sasampa sa 10K hanggang 12K ang mga dayuhang inaasahang darating sa bansa kada araw sa susunod na buwan.