Binigyan-diin ng Department of Agriculture na kinakailangan ang pagdedeklara ng food security emergency sa kabila ng pagbaba ng presyo ng bigas.
Ayon kay Agriculture Assistant Secretary at Spokesman Arnel De Mesa, kailangan ang nasabing deklarasyon upang mailabas ang buffer stock mula sa National Food Authority.
Patuloy aniya ang pagbaba ng international price market, dahilan para mapababa rin ang lokal na presyo nito.
Ipinunto pa ni Asec. De Mesa na oras na maideklara ang emergency sa food security, ibebenta ang mga stock mula sa nfa sa mga local government units sa metro manila sa halagang thirty-six pesos kada kilo at maaari na itong maibenta sa mga pamilihan sa halagang 38 pesos per kilo.
Samantala, kumpiyansa naman ang D.A. na mailalabas na ang resolusyon bago sumapit ang Pebrero.