Tuloy ang implementasyon at hindi sinususpinde ang no-contact apprehension program (NCAP) sa Quezon City.
Ayon sa Public Affairs and Information Services Department ng Q.C, bagaman ang lgu sa Land Transportation Office upang resolbahin ang mga issue hinggil sa hirit na suspensyon ng ilang stakeholders sa ncap.
Nakikipag-usap din ang lokal na pamahalaan sa iba pang mga unit ng lgu na may katulad na programa, kaugnay sa magkakaparehas na parusa sa ilalim ng nasabing polisiya.
Bilang bahagi anila ng 14-point agenda, patuloy na nakikinig ang lokal na pamahalaan sa mga sentimyento ng qcitizens at ang kanilang mga boss ay dinidinig habang pinapahusay ng lgu Ang ncap.
Tiniyak din ng QC government sa mga motorista na hindi kailangang mag-alala hinggil sa hindi patas na pagpataw ng mga parusa, dahil ang quezon city ncap ordinance ay nagtatadhana ng isang adjudication board kung saan maaaring kwestyunin ang mga paglabag na nakunan sa video.