Magpapatuloy ang mga misa para sa Pista ng Itim na Nazareno kahit pinagbawalang magpunta sa Quiapo Church ang mga deboto at sinuspinde ang taunang Traslacion.
Ayon kay Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) Spokesman, Fr. Jerome Secillano, isasagawa ang misa sa pamamagitan ng Facebook live kung saan maaaring manood at dumalo ang mga deboto.
Bago pa anya ipag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang suspensyon ng Traslacion 2022 ay nakapag-pasya na ang simbahan ng Quiapo na itigil ang naturang aktibidad dahil sa muling pagsirit ng COVID-19 cases.
Nilinaw ni Secillano na bagaman ipinatigil ang taunang prusisyon ay hindi naman maaaring kanselahin ang mga misa dahil ito ang pinaka-mahalagang bahagi ng pagdiriwang.