Walong pasyente na lamang at mapupuno na ang kamang nakalaan sa mga pasyenteng dinapuan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa San Lazaro Hospital.
Ayon kay Rotgene Solante, tagapagsalita ng ospital, kabuuang 65 kama ang nakalaan para sa mga COVID-19 patient at 57 na rito ang may umuukupa.
Aniya, maabot na ng ospital ang kapasidad nito sa pagtanggap sa mga pasyenteng positibo sa nakahahawang sakit.
Isa ang San Lazaro Hospital sa mga pangunahing pagamutan na tumutugon sa mga pasyenteng dinapuan ng nasabing virus.