Umabot na sa mahigit 600 ang dengue cases sa Western Visayas sa loob lamang ng isang linggo.
Inihayag ng Department of Health-Region 6 na simula July 10 hanggang 16, sumampa na sa 674 ang tinamaan ng nasabing sakit.
Pinakamaraming naitala sa lalawigan ng Negros Occidental, 230 na sinundan ng Iloilo, 161 at Antique, 118.
Lima naman ang namatay sa nasabing panahon kabilang ang dalawa sa Antique habang tig-isa sa Iloilo, Bacolod at Negros dahilan upang umakyat na sa 37 ang death toll simula Enero ngayong taon.
Sa kabuuan, lumobo na sa 6,856 ang dengue cases sa rehiyon mula Enero hanggang Hulyo 16 at posibleng lumampas pa ng 7,000 ngayong linggo.