Uubrang umapela sa kanilang local social workers ang mga pamilyang hindi napasama sa listahan para sa social amelioration program (SAP) ng gobyerno.
Ito ayon kay Department of Social Welfare and Development (DSWD) Spokesperson Irene Dumlao ay kung alam naman ng mga nasabing pamilya na eligible sila at dapat tumanggap ng tulong pinansyal subalit wala sa listahan.
Sinabi ni Dumlao na bahala na ang social workers na magpabatid ng reklamo sa DSWD na siyang mag aaral kung dapat aprubahan ang apela.