Hindi napigilang maglabas ng sama ng loob ng isang Ginang na ang anak ay isa sa mahigit walong daan at tatlumpong libong (830,000) mga bata na naturukan ng dengvaxia, sa pamahalaan kaugnay ng programa sa dengue vaccination.
Sa pagdinig ng senado, humihingi si Ginang Iris Alpay ng paliwanag at tulong mula sa mga opisyal ng Department of Health (DOH) para sa maibsan ang pangamba ng mga katulad niyang magulang na may anak na nabakunahan ng dengvaxia.
Iginiit ni Alpay na walang nagtungo o nangamustang mga taga – DOH o taga – City Health Office sa kalagayan ng kanyang anak matapos na mabakunahan.
Taliwas aniya sa pahayag ng ahensya na kanilang mino – monitor ang mga batang tinurukan ng dengvaxia.
Sa mga taong behind this vaccine, especially former Secretary Garin, gusto ko lang po ring tanungin sa kanya kung nakakatulog pa ba siya ng mahimbing kasi kami po ay hindi na.
Gusto ko din po ipalabas ang frustration ko sa government kasi ako po ay… I trusted so much with the government, especially DOH, dahil naniniwala po ako na ito po ‘yung mandate ay para lang po sa kapakanan, sa health lalo ng mga… entire citizen ng Pilipinas.
Pero ako po ay sobrang na – disappoint dahil ang mismong ahensya niyo ang nagpapahamak sa aming mga anak.
- Pahayag ni Ginang Alpay
Sa panig naman ng DOH, sinabi ni Health Secretary Francisco Duque na personal siyang nakipag – ugnayan kay Alpay matapos na makarating sa kanya ang kaso ng anak nito na nagkasakit.
Ayon kay Duque, batay sa kanilang pag – uusap walang kinalaman sa itinurok na dengvaxia ang pagkakasakit ng anak ni Alpay bagama’t patuloy pa rin ang kanilang pagsusuri.
Sinabi pa ni Duque na agad silang kumilos matapos magpalabas ng abiso ang Sanofi Pasteur kaugnay ng dengvaxia vaccine at naglagay ng hotlines partikular para sa dengue.
Other than sa ating government hotlines, other than putting together the master list, in tandem with the DepEd (Department of Education), together with our regional directors, and with the coordination with the local government health officers, we have also instructed to do conduct heightened surveillance.
Because they key here is the heightened surveillance, 5 years post vaccination.
- Pahayag ni Health Secretary Duque
Kasabay nito, umapela si Duque sa mga magulang na huwag mawalan ng tiwala sa iba pang mga ibinibigay na bakuna sa mga bata dahil lamang sa usapin sa dengvaxia vaccine.
Please don’t let this one event taint the innocence of the other vaccines because the other vaccines have been proven for decades of their protection, and have really averted of several hospitalizations.
Sana po ay huwag po kayong mawawalan ng tiwala.
- Pahayag ni Health Secretary Duque