Ilang araw bago ang anibersaryo ng Mamasapano Massacre, nananatili pa ring buhay ang pag-asa ng PNP Special Action Force na makakamit ng mga nasawi nilang kasama ang karampatang hustisya.
Sa kabila nito, tumanggi si PNP-SAF Spokesperson Police Inspector Jonalyn Malnat na magbigay ng komento hinggil sa takbo ng kaso ng pagkamatay ng SAF 44.
Ang tanging sinabi ni Malnat ay nananatili pa ring mataas ang kanilang morale.
Sa katunayan, aniya, itinuturing nilang inspirasyon ang naging kabayanihan ng kanilang mga kasamahang nasawi sa Oplan Exodus.
By: Meann Tanbio / Bert Mozo