Isa ang kupirmadong nasawi habang tinatayang aabot sa 100 pa ang nawawala matapos ang naganap na landslide sa isang minahan sa Myanmar.
Nangyari ang landslide sa Hpakant Mine sa Kachin State.
Ayon sa isang miyembro ng rescue team, 25 indibidwal ang dinala sa pagamutan.
Habang aabot sa 200 rescuer ang idineploy sa lugar upang tumulong sa paghahanap sa iba pang nawawala kung saan ang ilan sa mga ito ay gumamit na ng mga bangka upang hanapin ang mga bangkay sa katabing lawa ng minahan.