Nagpalabas na ng top bird flu alert ang South Korea sa unang pagkakataon.
Ayon kay Korean Agriculture Minister Kim Jae-Soo, ang naturang hakbang ay para ma-contain ang pagkalat pa ng Avian Influenza na H5N6.
Nobyembre ng taong ito nang madikubre ang H5N6 kung saan ay nasa 16 na milyong manok at pato ang tinamaan.
Tinatayang nasa 10% na ng poultry stocks ng Sokor ang kinatay upang maiwasan pang lumawak ang sakit.
By: Ralph Obina