Idineklara ng Department of Environment and Natural Resources ang tanyag na dalawang diving area sa Coron, Palawan at Sabang Bay sa Puerto Galera, Oriental Mindoro bilang Water Quality Management Areas o WQMA.
Ayon kay Environment Secretary Ramon Paje, layunin ng hakbang ng pamahalaan na lalong maprotektahan ang mga lamang-dagat kaugnay sa paglakas ng turismo sa naturang lugar.
Aminado si Paje na ang Sabang Bay sa Puerto Galera at ang Coron Bay sa Palawan ay parehong world-class diving sites kung kaya’t dinadayo ito ng mga turista.
Dahil sa dumarami ang mga turista sa nabanggit na destinasyon ay nagiging aktibo ang mga residente at mga negosyante sa lugar na pagandahin ang kanilang lugar na pinangangambahan na makaapekto sa tubig at sa kapaligiran.
Positibo naman si Paje na magkakaroon ng benepisyo sa lokal na pamahalaan at iba pang stakeholder ang pagkakatalaga sa Puerto Galera at Coron Bay bilang bahagi ng WQMA.
By: Drew Nacino