Ikinabahala ng World Health Organization (WHO) ang anila’y ”tsunami” ng mga kaso ng COVID-19 dulot ng sabay na pagkalat ng Delta at Omicron variants.
Sinabi ni WHO Director-General Tedros Adhanom Ghebreyesus na record-high ang mga kaso ng mga dinadala sa ospital at namamatay sa COVID-19 dahil kapwa mabilis kumalat ang naturang mga variant.
Record-high rin ang mga naitatalang bagong kaso ng COVID-19 sa buong mundo, mula noong December 22 hanggang 28, kung saan mahigit 935,000 ang average na bagong mga kaso.