Magdaraos ng sabayang misa o simultaneous mass ang lahat ng mga simbahan sa bansa mamayang alas-6 ng gabi kasabay ng paggunita ng Red Wednesday.
Sa misang idinaos kaninang umaga sa Manila Cathedral, damang-dama ang paggunita sa Red Wednesday dahil sa mga palamuti sa simbahan at mga ilaw nito na hango sa kulay pula.
Mababatid na ang Red Wednesday ay isang global event para alalahanin ang mga taong hindi makapagsimba dahil sa persecution.
Ngayong taon, inaalay ang pagdiriwang ng Red Wednesday sa mga dinapuan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) at ang mga nagsisilbing frontliner ngayong may banta ng pandemya.