Posible maharap sa kasong plunder at graft ang mga responsable sa maling paggastos ng confidential fund ni Vice President Sara Duterte.
Ito’y batay sa mga ebidensyang nakalap ng House Committee on Good Government and Public Accountability.
Sinabi ni Antipolo Rep. Romeo Acop na ang kawalan ng transparency at accountability sa paggamit ng pondo ng bayan ay nagpapakita ng mga paglabag sa batas at sa Commission on Audit-Department of Budget and Management joint circular kung saan nakasaad ang mga panuntunan sa paggastos ng confidential funds.
Dagdag pa ni Cong. Acop, “tila sinasadya silang lituhin, iligaw at paguluhin ang pahayag ng mga tauhan ng tanggapan ng Bise Presidente sa kung ano ba talaga ang nangyari sa confidential funds ng OVP at DEPED.