Pinag-aaralan ng gobyerno ang posibleng pag-subsidize sa pagkakasa ng bakuna kontra African Swine Fever (ASF) .
Ayon kay Agriculture Undersecretary for Livestock Deogracias Victor Savellano, dapat na matapos muna ang mga protocol bago magawan ng proposal para sa dagdag na benepisyo kung uubrang tumulong ang gobyerno.
Sa idinaos pang general meeting ng National Federation of Hog Farmers Incorporated, binigyang-diin sa DWIZ ni Undersecretary Savellano na mahigpit na tututukan ng livestock unit ang bio-security, re-population gayundin ang pagpapababa sa presyo ng feeds.
Tiniyak pa ni Undersecretary Savellano sa mga miyembro ng NATFED na hahanap at hahanap ng paraan ang Department of Agriculture (DA) para makabuo ng mga programang hihimok sa mga agribusinessmen, agripreneurs at rural farmer families na isulong ang anumang uri ng livestock farming na maaaring maging pang kabuhayan na rin.
Binigyang-diin pa ni Undersecretary Savellano puspusang pagtutulungan ng gobyerno at pribadong sektor para sa matagumpay na pagsusulong ng mga programa sa livestock o paghahayupan.