Niyanig ng magnitude 3.5 na lindol ang isla ng Sabtang na sakop ng lalawigan ng Batanes kaninang alas-6:18 ng umaga.
Natukoy ng Phivolcs ang episentro ng pagyanig sa layong 15 kilometro timog ng nabanggit na isla.
Tectonic ang pinagmulan ng pagyanig na mayruong lalim na 10 kilometro mula sa episentro.
Naramdaman ang Intensity 2 na lindol sa kabisera ng lalawigan na Basco subalit wala namang inasahang aftershocks ang nasabing pagyanig.
Wala ring napaulat na pinsala o nasaktan sa Batanes dahil sa lindol.