Malinaw ang naging sabwatan ng Commission on Elections (COMELEC) at Smartmatic para gawing kuwestyonable ang halalan ngayong 2016.
Ayon kay Rodolfo Javellana ng grupong Mata sa Balota, hindi kakayaning mapalitan ng Smartmatic ang hash code sa transparency server kung walang basbas ang COMELEC dahil nasa komisyon ang kalahati ng password para mabuksan ang server.
Hindi anya katanggap-tanggap na sa mismong araw na ng bilangan nakita ang pagkakamali sa isang letra lamang sa balota gayung dumaan ang mga vote counting machines sa final testing at sealing na sinaksihan ng mga board of election inspectors at mga partido pulitikal.
Binigyang diin ni Javellana na wala silang kinakampihang kandidato nang kasuhan nila ng electoral sabotage ang COMELEC, Smartmatic , kasama na ang PPCRV.
Mas isinasaalang-alang anya nila ang ginawang pagsira ng COMELEC at Smartmatic sa kredibilidad at integridad ng eleksyon.
Maliban dito, bago pa anya ginanap ang eleksyon ay nagpalabas na sila ng babala at sumulat na rin sila sa COMELEC hinggil sa hash code.
By Len Aguirre | Balitang Todong Lakas
Photo Credit: AFP