Pinabulaanan ng Philippine Association of Flour Millers ang pahayag ni Department of Trade and Industry (DTI) Usec. Victor Dimagiba na may sabwatan sila ng mga panadero hinggil sa presyo ng tinapay sa bansa.
Ayon kay Ric Pinca, Presidente ng Philippine Association of Flour Millers, una na silang inakusahan ng pakikipag-away noon sa mga panadero, ngayon naman ay kasabwat ng mga ito sa presyo ng tinapay.
Ikinagulat aniya nila ang balitang sabwatan na tila pang hollywood ang script.
Buwelta ni Pinca sa DTI, i-monitor ng tama ang presyo ng mga harina sa mga dealer at distributor at hindi ang retail price sa mga public market na karamihan ay tinakal na kaya mahal ang mga ito.
“DTI should strengthen its monitoring team, and get the prices out in the market correctly. Yung mga mino-monitor nilang prices are in the public market, retail.” Pahayag ni Pinca.
By Mariboy Ysibido | Ratsada Balita