Dalawang kargamento ng North Korea patungo ng Syria ang di umano’y nasabat sa nagdaang anim na buwan.
Batay sa report ng Independent UN Experts, na isinumite sa UN Security Council, iniimbestigahan nila sa kasalukuyan ang posibleng pagtutulungan ng Syria at North Korea sa pagkakaroon ng chemical, ballistic missile at conventional arms.
Isa sa mga miyembrong estado ng UN ang kumbinsido na bahagi ng komid contract sa Syria.
Ang komid ay ang Korea Mining Development Trading Corporation na inilagay sa blacklist ng UN Security Council noong 2009 dahil sa di umano’y pagbebenta ng equipment na konektado sa ballistic missiles at conventional weapons.