Pinangunahan ni PNP Chief Director General Oscar Albayalde “National Day of Remembrance” na naglalayong gunitain ang tinaguriang SAF 44.
Ito na ang ika-apat na taon mula nang mapatay sa Mamasapano encounter ang apatnapu’t apat na miyembro ng PNP Special Action Force.
Sama sama ring nag-alay ng bulaklak ang mga opisyal ng pnp at pamilya ng mga nasawi sa SAF 44 memorial sa Camp Bagong Diwa sa Taguig.
Sa kanyang talumpati, tiniyak ni Albayalde na hindi nalilimutan ang kabayanihan ng SAF 44 at patuloy ang pagsisikap nilang mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng mga ito.
TINGNAN:#SAF44, binigyang-pugay at pagkilala ng PNP kaalinsabay sa ika-apat na taong anibersaryo ng Mamasapano massacre ngayong araw | via @jaymarkdagala pic.twitter.com/oNbA3xltZN
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) January 25, 2019