Nakatakdang ilabas ng kamara ang resulta ng imbestigasyon sa pagkamatay ng 44 na miyembro ng PNP-SAF sa Mamasapano, Maguindanao sa Hulyo 27, kasabay ng huling State of the Nation Address (SONA) ng Pangulong Noynoy Aquino.
Ayon kay House Committee on Public Order and Safety Chairman Jeffrey Ferrer, Mayo 15 pa nakahanda ang draft report subalit hindi pa naipamahagi sa mga kongresista dahil naging abala sa pagdinig ng panukalang Bangsamoro Basic Law (BBL).
Ipinahiwatig ni Ferrer na posibleng magkaroon ng ilang pagbabago sa nilalaman ng draft report bago pagbotohan ng dalawang komite ang final report.
Kabilang sa nilalaman ng report ang rekomendasyon na kasuhan ang ilang matataas na opisyal ng PNP at pagsasampa ng asunto laban sa mga miyembro ng MILF na sangkot sa Mamasapano incident.
By Meann Tanbio