Idineploy na ng Philippine National Police (PNP) ang ilang miyembro ng Special Action Force (SAF) sa Tuba, Benguet.
Kasunod ito ng nangyaring sagupaan sa pagitan ng tropa ng pamahalaan at mga hinihinalang miyembro ng New People’s Army (NPA).
Ayon kay Police Superintendent Mark Pespes, ground commander ng Regional Public Safety Battalion, tutulong ang mga SAF trooper na ito sa clearing operations na isinasagawa ngayon ng Philippine Army at Benguet Provincial Public Safety Company.
Maliban dito, may tropa din ang pulisya na nagsisilbing blocking force ng PPSC na tumutugis ngayon sa mga rebelde.
By Ralph Obina