Pinarangalan ng National Police Commission, ang anim na buhay na miyembro ng Special Action Force (SAF), na kasama sa operasyon sa Mamasapano, noong nakaraang taon.
Ayon kay Interior and Local Government Sec. Mel Senen Sarmiento, ibinigay kina PO3 Solomon Agayso, PO3 Jose Manaar Jr., PO3 Jovalin Lozano at PO2 Clifford Agayong, ang Medalya ng Kabayanihan.
Ang apat na SAF commandos ang nagsilbi ng warrant of arrest kay Zulkifli Bin Hir alyas Marwan.
Ipinagkaloob naman ang Medalya ng Katapatan sa paglilingkod sa mga bumuo ng intelligence package, na sina Police Sr. Supt. Fernando Mendez Jr. at Sr. Supt. Edgar Monsalve.
Maliban sa mga medalya, na – promote din ang anim na pulis at ang 25 iba pang SAF survivors.
Binigyan din ng NAPOLCOM ng scholarship ang mga anak ng apat na binigyan ng Medalya ng Kabayanihan.
By Katrina Valle | Jonathan Andal