Tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte na kaniyang bibigyan ng safe conduct pass si CPP-NPA-NDF Founding Chairman Jose Maria Sison para makauwi ito sa bansa
Kasabay nito, sinabi rin ng Pangulo na bibigyan din niya ng safe conduct pass ang mag-asawang Benito at Wilma Tiamzon upang makasali sa usapang pangkapayapaan kasama si NDF Chief Luis Jalandoni
Nilinaw naman ng Pangulo na hindi niya palalayain ang lahat ng mga political prisoners hangga’t hindi nagkakaroon ng usapang pangkapayapaan sa pagitan ng pamahalaan at ng komunistang grupo
Umaasa ang pangulo na makabubuo ng kasunduan ang partido komunista at ang pamahalaan bago matapos ang taon
Nangako rin ang Pangulo na kaniyang bibigyan ng amnestiya ang mga komunista sa kundisyong ibababa ng mga ito ang kanilang mga armas
By: Jaymark Dagala