Siniguro ng Department of Education (DepEd) na mananatiling prayoridad ng ahensya ang pagtatatag ng “Safe Spaces” para sa mga mag-aaral, teaching at non-teaching personnel.
Ayon sa DepEd, handang tumugon ang Learners Telesafe Contact Center helpline sa mga isyung may kinalaman sa pang-aabuso.
Binigyang-diin ng ahensya na hindi dapat mag-alinlangan na magsumbong sa naturang helpline ang mga mag-aaral o sinuman na nakararanas ng pang-aabuso.
Ayon kay Vice President at DepEd secretary Sara Duterte ay may kabuuang 1,871 child abuse cases nang naitala ang Learner Rights and Protection Office (LRPO) mula 2019 hanggang 2020.
Samantala, ang sinumang makararanas ng pang-aabuso ay maaaring makipag-ugnayan sa DepEd LRPO sa numerong 0945-175-9777 o sa (02) 8632-1372 at sa email address na weprotectlearners@deped.gov.ph. —sa panulat ni Hannah Oledan