PAGSASAMA-SAMAHIN ng isang telecommunications company o telco ang key stakeholders at multi-sectoral partners ngayong buwan sa isang webinar na naglalayong mapalawak ang kamalayan at maisulong ang tuloy-tuloy na pagkilos tungo sa proteksiyon ng mga bata laban sa online sexual abuse at exploitation. Kasabay ng taunang Safer Internet Day, ang Globe ay magho-host ng #MakeITSafePH Webinar ngayong Martes, February 8, alas-10 ng umaga, habang muling pinagtitibay ang commitment sa adbokasiya para sa online child safety. Ang learning session ay streaming sa Globe Bridging Communities Facebook page. Layon nitong bigyang-diin ang Online Sexual Abuse and Exploitation of Children (OSAEC) sa Pilipinas, at ang mga paraan kung paano makasusuporta ang publiko sa paglaban dito. “As a digital solutions group we look for ways to combat OSAEC through partnerships, instituting technical solutions and working with the relevant stakeholders. Ultimately, we aim to keep our kids safe when they spend time online,” pahayag ni Yoly Crisanto, Globe Chief Sustainability Officer and SVP for Corporate Communications. Ang webinar ay pangungunahan ng UNICEF na ipinaglalaban ang mga karapatan at proteksiyon ng mga bata, at nangunguna sa pagpapatupad ng SaferKidsPH platform. Tatalakayin ng UNICEF ang OSAEC landscape sa Pilipinas at kung bakit ang child protection ay isang “collective responsibility.” Hihimayin naman ng Internet Watch Foundation ang global impact ng OSAEC, habang magbibigay ang CitizenWatch Philippines at Bantay Konsyumer, Kalsada, Kuryente (BK3) ng pananaw sa kung paano naaapektuhan ang digital citizens ng isyu. Ayon sa isang pag-aaral na pinangunahan ng US-based National Center for Missing and Exploited Children (NCMEC), sa pakikipagtulungan sa Philippine government na may titulong “Online Sexual Exploitation of Children in the Philippines: Analysis and Recommendations for Governments,…
previous post