Inihayag ni Trade Secretary Ramon Lopez na kabilang sa ikinukonsidera sa pagbaba ng alert level sa isang lugar ay ang bilang ng mga establisyimento na may safety seal.
Aniya, makabubuting suriin muna nang mabuti ang bilang at dahan-dahang buksan ang ekonomiya ng bansa.
Sinabi pa ni Lopez na 80% na ang itinaas ng revenues ng mga negosyo at nakabawi na rin aniya ang exports at investments.
Kaugnay nito, patuloy na hinihimok ng Department of Trade and Industry ang mga establisyemento na kumuha ng safety seal certification. —sa panulat ni Hya Ludivico