Plano ng Department of Education na magkaloob ng ‘safety seal’ sa mga paaralang makakapasa sa assessment at evaluation ng Department of Health.
Ayon kay DepEd Planning Service Director Roger Masapol, ito’y para matiyak na handa ang mga paaralan sa pagbabalik ng face-to-face classes sa Nobyembre a-15.
Ani Masapol, nakipag-usap na sila sa Department of Trade and Industry kaugnay sa mekanismo ng pagbibigay ng safety seal.
Kung maaprubahan aniya, unang makakataanggap ang 100 pampublikong paaralan sa bansa na lalahok sa 2 buwang pilot implementation ng limited face-to-face classes. —sa panulat ni Airiam Sancho