Kaka-upgrade pa lamang ng safety training programs ng Philippine Air Force.
Ipinabatid ito sa DWIZ ni Lt. Col. Maynard Mariano, spokesperson ng Philippine Airforce kaya’t nakakalungkot ang nangyaring pagbagsak ng C-130 plane sa Jolo, Sulu na ikinasawi ng 52 katao.
Tiniyak ni Mariano na tuluy-tuloy din ang kanilang evaluation at pagpa-plantsa ng kanilang safety programs and protocols.