Pansamantalang ipinasara ng Mountain Province Tourism Office ang ilang kweba nito matapos ang nangyaring aksidente na ikinasawi ng isang residente doon.
Ayon kay Sagada Tour Guide Peter Kidangen, nahulog sa Crystal Cave ang 15 anyos na biktimang si Rael Gambican nang magtungo ito doon kasama ang tatlo (3) nitong kaklase nang walang tour guide.
Naisiguod pa sa ospital ang binatilyo ngunit idineklara ring dead on arrival.
Dahil sa insidente, sarado sa mga turista ang Sumaguing, Lumiang at Crystal Caves na kabilang sa mga popular na destinasyon sa Sagada.
Nasa pagpapasya pa ng mga nakatatanda sa Sagada kung kailan muling pabubuksan sa publiko ang naturang mga kweba.
PAKINGGAN: Pahayag ni Sagada Tour Guide Peter Kidangen
Dahil sa aksidente, nag-aalala ngayon ang mga tour guide gaya ni Kidangen na maka-apekto ito sa turismo ng sagada.
PAKINGGAN: Bahagi ng tinig ni Sagada Tour Guide Peter Kidangen sa panayam ng DWIZ
By Ralph Obina