Naghahanda na ang Commission on Elections (COMELEC) sa tugon nito sa reklamo ng online news organization na Rappler hinggil sa umano’y hindi patas na pagkakataong ibinigay ng komisyon para sa coverage ng PiliPinas Debates 2016.
Ito ayon kay COMELEC Chairman Andres Bautista ay kahit pa hindi pa nila natatanggap ang kautusan ng korte.
Ang reklamo ay isinampa ng Rappler sa Korte Suprema, ilang araw bago ang kauna-unahang presidential debate sa Cagayan de Oro City noong linggo.
By Judith Larino