Service contracting sana ang sagot para kahit magmahal ang diesel at gasolina ay magiging abot kaya pa rin ang pamasahe dahil sa gobyerno ang sasalo nito.
Ayon ito kay Senador Risa Hontiveros sa gitna na rin nang hirit ng ilang transport group na P3 dagdag sa pasahe sa jeep dahil sa sunud-sunod na pagtaas ng presyo ng langis sa bansa.
Sinabi ni Hontiveros na mayruon pang P3-B budget ang gobyerno para sa service contracting at libreng sakay.
Dapat anyang dagdagan pa ng DOTr at malakaniyang ang budget sa service contracting gamit ang pondong nakatengga lang.
Ang service contracting ay ipinatupad ngayong may pandemya bilang tulong sa mga pasahero at mga driver sa pampublikong transportasyon. —sa ulat ni Cely Ortega Bueno (Patrol 19)