Inihahanda na ng pamahalaan ang sagot sa inihaing petisyon sa Korte Suprema na kumukuwestiyon sa legalidad ng 2025 national budget.
Ayon kay Solicitor General Menardo Guevarra, inaayos na nila ang komento ng mga respondent at isusumite ito sa kataas-taasang hukuman sa lalong madaling panahon.
Matatandaang pinangunahan nina dating Executive Secretary Vic Rodriguez at Davao City 3rd District Rep. Isidro Ungab ang paghahain ng petisyon na humihiling na ideklarang unconstitutional ang ilang probisyon ng 2025 General Appropriations Act.
Giit ng petiioners, may mga blangkong item sa Bicameral Conference Committee report na maaaring pagmulan ng anomalya sa paggamit ng pondo ng bayan.
Una nang nagbabala si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na sakaling ideklara ng Supreme Court ang 2025 budget bilang unconstitutional, maaaring maapektuhan ang operasyon ng pamahalaan. – Sa panulat ni Laica Cuevas mula sa ulat ni Gilbert Perdez (Patrol 13)