Masyado pang maaga para ibaon sa limot ang mga nangyari noong panahon ng batas militar.
Ito ang tugon ni dating Senator Rene Saguisag, sa naunang pahayag ni Senator Bongbong Marcos na kailangan nang kalimutan ang nakaraan, at unti-unti nang mag-move on.
“Maybe too soon to forget ‘yung mga nangyari noong panahon ng walang habag na batas militar, dapat nating alalahanin ang mga days ng human rights violations at ang kleptocracy ng mag-asawang Marcos na nagumpisa noong 1968.” Ani Saguisag.
Iginiit din ni Saguisag, na sa kabila ng ilang pag-abuso sa demokrasya ng bansa, mas mabuti pa din ito kumpara sa sinapit ng marami noong panahon ng Martial Law.
AUDIO: Bahagi ng panayam kay dating senador Saguisag
By Katrina Valle | Kasangga Mo Ang Langit