Binanatan ni dating Senador Rene Saguisag ang Kongreso na aniya’y sunud-sunuran lamang sa mga naisin ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ito’y may kaugnayan sa pagsuporta ng dalawang kapulungan ng Kongreso sa idineklarang Martial Law ng Pangulo sa buong Mindanao bunsod ng pag-atake ng grupong Maute sa Marawi City.
Tanong ni Saguisag kung mayruon pa bang kongreso na dapat sana’y bumabalanse sa mga desisyon ng Pangulo.
Malaki aniya ang pagkakaiba ng kasalukuyang batas militar nuong panahon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos dahil sa aniya’y kadalasang nagmumula sa defense chief ang rekumendasyon.
Ngunit batay aniya sa naging pahayag ni Defense Secretary Delfin Lorenzana, hindi sa kaniya nagmula ang rekumendasyon subalit tila ipinilit pa ito ng mga mambabatas sa pangulo na tinawag niyang mga “chuwariwariwap”.
By: Jaymark Dagala