Humantong sa draw ang banggaan ng Philippine Azkals at Yemen sa third round qualifiers ng 2023 AFC Asian Cup sa Ulaanbaatar, Mongolia.
Kapwa bigong makasipa ng goal ang Azkals at Yemen sa pagsisimula ng kampanya sa Group B sa kanilang paghaharap sa MFF Football Center.
Sa kabila nito, parehas makakukuha pa rin ng puntos ang dalawang koponan sa nasabing round.
Sumikwat ng puntos ang Azkals sa laban sa unang sigwada sa Group B, pero ang kanilang tsansa na makapasok sa aktuwal na torneyo ay nakadepende sa resulta ng kanilang mga susunod na laban.
Batay sa format, ang nangungunang koponan sa bawat isa sa anim na grupo kasama ang limang pinakamahusay na runners-up ay papasok sa 2023 AFC Asian Cup sa June 16 hanggang July 23.
Sunod namang makakaharap ng Azkals ang host Mongolia sa Sabado.