Wala pang katiyakan ang sagupaan sa pagitan ng magkapatid na Mayor Abigail at dating Mayor Eriwn “Junjun” Binay Jr. para sa mayoralty post sa Makati City.
Ayon kay dating Mayor Junjun, pag-uusapan pa ng kanilang pamilya kung ano ang dapat gawin.
Sinabi ng dating alkalde na ilalatag niya sa pulong ng pamilya ang hangarin niyang ibalik ang Binay brand ng pamamahala kung saan sila mismo aniya bilang mga halal na opisyal ang lumalapit sa taongbayan para magbigay ng serbisyo publiko.
“Marami din satisfied na mga senior citizens, mga vendors you know people of Makati when I go around namimiss nila yung Binay style of governance. Yung governance ni Jojo Binay ayan yung tipo ng mga tao na siya ang lalapit hindi yung tao ang kailangan na pumunta sa kanya we’re always on the ground eh.” Pahayag ni Binay.
Binay siblings desidido nang maglaban sa mayoral post sa Makati
Kapwa desidido ang magkapatid na sina Makati City Mayor Abby Binay at dating alkalde ng lungsod na si Jejomar Erwin “Junjun” Binay Jr. na sumabak sa mayoral race sa Makati City sa 2019 elections.
Ayon kay Mayor Abby, may basbas ng kanyang amang si dating Vice President Jejomar Binay ang muli niyang pagtakbo bilang alkalde ng Makati City.
Nilagdaan pa aniya ng kanilang ama ang kanyang certificate of nomination and acceptance (CONA) sa ilalim ng United Nationalist Alliance (UNA) bago ito umalis patungong Italy noong Setyembre 27.
Sinabi pa ni Mayor Abby, nagsimula ang di nila pagkakaunawaan ng kapatid matapos niyang matuklasan ang pagkakasangkot sa katiwalian ng ilang mga councilors na sumusuporta sa pagbabalik ni Junjun sa Makati City Hall.
Samantala, iginiit naman ni Junjun Binay na lumabas lamang ang isyu sa kurapsyon nitong maga nakaraang araw habang papalapit na ang paghahain ng certificate of candidacy (COC).
Binigyang diin pa ni Junjun na aatras lamang sa kandidatura kung mismong ang kanilang ama na ang tatakbo sa pagka-alkalde sa Makati City.