Malaki ang posibilidad na matuloy ang labanang Manny Pacquiao at Amir Khan sa susunod na taon.
Ayon mismo kay Khan, 75 porsyento ang tyansa na makakabakbakan niya sa ibabaw ng ring si Pacman.
Sa ngayon anya, may nagaganap nang pakikipag-usap sa pagitan ng kanyang panig at kampo ni Pacquiao.
Kung matatandaan, una nang sinabi ng pambansang kamao na posible niyang makasagupa sa Khan bago siya magretiro sa boksing.
Ayon pa kay Pacquiao, posibleng sa Marso o Abril maganap ang labanan nila ni Khan, ilang linggo bago ang eleksyon sa Mayo 2016.
By: Jonathan Andal