Patay ang 10 rebelde at dalawang sundalo sa sagupaan ng tropa ng mga sundalo at mga miyembro ng Daulah Islamiyah at Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa Maguindanao.
Ayon kay 6th Infantry Division Spokesperson Lt. Colonel Dingdong Atilano nagsagawa ng operasyon ang 57th Infantry Battalion alas-5:30 ng madaling araw para targetin ang mga miyembro ng Daulah Islamiyah sa ilalim ng Toraype group sa pangunguna ng isang Hassan Indal nang dumating ang mga armadong kalalakihan mula sa BIFF group ni Kumander Karialan bilang reinforcement.
Sinabi ni Atilano na hindi maayos ang puwesto ng mga sundalo dahil sa matubig na lugar bagama’t nakalapit sila sa kanilang target ng halos 20 metro.
Nang maka engkuwentro ang 20 miyembro ng Daulah Islamiyah Group ipinabatid ni Atilano na dumating ang 20 iba pa mula sa BIFF na nagsilbing back up ng mga rebelde.
Tumagal ang nasabing shoot out ng anim na oras.