Daan-daang residente na ng bayan ng Uri, Kashmir region ang nagsilikas sa gitna ng muling pagsiklab ng serye ng sagupaan sa pagitan ng India at Pakistan.
Dalawang sibilyan at isang sundalong Indian na ang patay habang nasa dalawampu (20) na ang sugatan sa panibagong ceasefire violations bunsod ng territorial dispute ng India at Pakistan sa Kashmir at Jammu Regions.
Kapwa nagpalitan ng artillery shell ang dalawang panig dahilan upang maipit ang daan-daang residente sa India-Pakistan border.
Samantala, nagbanta ang Pakistani government na reresbak ang kanilang militar sa oras na magtangka umanong manghimasok ang Indian Armed Forces sa kanilang inaangking teritoryo.
—-