Sumiklab ang matinding sagupaan sa pagitan ng militar at Abu Sayyaf sa Patikul, Sulu sa gitna ng pagtugis ng mga tropa ng gobyerno sa mga suspek sa magkasunod na pambobomba sa isang simbahan sa Jolo.
Ayon sa AFP-Western Mindanao Command, mag-a- 1:00 kaninang hapon nang magkasagupa ang 5th scout ranger batallion at tinatayang 100 bandido sa ilalim ng isang hajan Sawadjaan sa Barangay Kabbon Takas.
Si Sawadjaan na isa sa mga sub-leader ng ASG ay kabilang sa mga sangkot umano sa magkasundo na pambobomba sa Jolo na ikinasawi ng mahigit 20 katao noong isang linggo.
Miyerkules nang ilunsad ng militar ang airstrikes sa mga balwarte ng Abu Sayyaf sa Sulu matapos ipag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang “all-out war” laban sa mga Islamic state-inspired group.