Tuloy-tuloy ang pag-aayos ng kampo ni Unified Heavyweight Champion Anthony Joshua sa isang undisputed heavyweight match bago matapos ang taong ito.
Sinabi ni Eddie Hearn promoter ni Joshua isinusulong nilang matuloy ang sagupaang Joshua at Tyson Fury na idedepensa ang WBC belt kontra sa dati nitong may-ari na si Deontay Wilder.
Kinakailangan ding madepensahan ni Fury ang kaniyang belts kontra kay Kubrat Pulev sa Hunyo para gawing makatotohanan ang undisputed heavyweight champion title sa March.
Tikom naman ang bibig ni Fury hinggil sa nasabing laban kay Joshua kaya’t naghahanda na rin si Hearn ng alternatibong kalaban ni Joshua.