Kinumpirma ng Filipino community sa Hong Kong na tinaasan na ang buwanang sahod at food allowance ng mga foreign domestic workers.
Kabilang dito ang Filipino, Indonesians, Nepalese at Thailander domestic workers sa nasabing bansa.
Nasa 2.2% o Hong Kong dollars ang itinaas sa buwanang sahod ng domestic workers.
Mula sa $4,630 ay magiging $4,730 ang sahod kada buwan.
Samantala, tinaasan din ng $23 ang kanilang food allowance.
Gayunman, una nang lumahok ang Filipino domestic workers sa demonstrasyon ng foreign domestic workers sa Hong Kong para ihirit ang dagdag na sweldo at food allowance. —sa panulat ni Jenn Patrolla