Tiniyak ng Malacañang na susundin ng Pangulong Rodrigo Duterte ang pangakong doblehin ang sahod ng mga guro tulad ng ginawa nya sa mga sundalo at pulis.
Ayon kay Presidential spokesman Salvador Panelo, hindi pa naman tapos ang termino ng pangulo kaya’t may panahon pa para matupad ang kanyang pangako sa mga guro.
Dapat anyang alalahanin ng mga guro na ang umento sa kanilang sahod ay nakasalalay kung magkano lamang ang pondo ng pamahalaan.
Una rito, dismayado ang mga guro dahil hindi naibigay ang inaasahan nilang umento sa sahod sa kabila ng pagkaka apruba sa 2019 Salary Standardization Law.